Posted May 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa napipintong pagtatapos ng Comelec Gun Ban sa bansa umakyat
na ngayon sa 45 ang naitalang record na lumabag sa Comelec Gun Ban Violators sa
probinsya ng Aklan.
Ayon kay PO3 Nida Gregas ng Aklan Police Provincial
Office (APPO), nasa 45 ang total record ng mga naarestong lumabag sa
ipinapatupad na Comelec Gun Ban bago paman mag-umpisa ang eleksyon kung saan 31
bladed at 17 firearms na ang kanilang mga nakumpiska.
Nabatid na ang datos na ito ay nagsimula noong January
10, 2016 hanggang ngayong Mayo kung saan patuloy parin ngayon ang kanilang hanay
sa pag-sugpo sa mga lumalabag sa nagpapatuloy na Comelec Gun Ban.
Maliban dito, wala naman umanong naitalang shooting
incident ngayong eleksyon sa probinsya kumpara noong 2013 na may record na 9
shooting incident sa kasagsagan ng kampanya sa halalan.
Ang Comelec Gun Ban ay nakatakdang magtapos ngayong Hunyo
8 kung saan nagsimula ito noong Enero 10, 2016.
No comments:
Post a Comment