Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
May paalala
ngayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa paulit-ulit na sunog na nangyayari
sa Dumpsite ng isang hotel sa Station 3 Manoc-manoc, Boracay.
Ayon kay FO3
Franklin Arubang ng BFP-Boracay, posible umanong upos ng sigarilyo ang sanhi ng
nangyayaring sunog sa lugar.
Dahil dito pinayuhan
nito kung sino man ang dumadaan sa lugar na huwag magtapon ng sigarilyo na may
baga pa dahil posibleng magdulot umano ito ng sunog.
Nabatid na
dalawang beses na umanong nangyari ang sunog sa lugar ngayong taon kung saan pahirapan
din ang pag-apula nito dulot ng tambak-tambak na basura.
Samantala, paalala din nito sa publiko na kung magtatapon ng basura ay dapat i-segregate ng mabuti ang kanilang basura bago itapon sa dumpsite.
No comments:
Post a Comment