Wednesday, April 06, 2016

Guro, hinampas ng bote sa loob ng isang bar sa Boracay

Posted April 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongIni-reklamo ngayon ng isang turistang British national ang kapwa nitong babae matapos itong hampasin ng bote sa loob ng isang bar sa Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Katie Victoria Richards 25-anyos, Teacher at temporaryong nakatira sa isang hotel sa Brgy. Manoc-manoc habang ang suspek naman ay si Allen Nabald 22-anyos ng Madalag, Aklan.

Sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng magkaroon sila ng hindi pag-kakaunawaan ng suspek.

Agad din umanong umalis ang biktima sa bar ngunit sinundan siya ng suspek at dito ay hinampas siya ng bote na tumama naman sa kanyang ilong.

Samantala, sinasabing kalasingan ang dahilan ng kanilang pag-aaway kung saan ang suspek ngayon ay pansamantala ng naka-kustodiya sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment