YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 06, 2016

Pagtaas ng kaso ng dengue sa Aklan ikinaalarma ng PHO

Posted April 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengueIkinaalarma ngayon ng Aklan Provincial Office (PHO) ang pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya na umabot sa 160%.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office, dapat kailangang panatilihing malinis ang kapaligiran ng sa ganon ay maiwasan ang tumataas na kaso ng dengue.

Base sa kanilang report simula nitong Enero 1 hanggang Marso 22, 2016 ay naitala nila ang kabuuang kaso na 286 kung saan mas mataas ito kumpara sa nakalipas na taon at parehong period na mayroon lamang na 110 na kaso.

Kaugnay nito ang Bayan ng Kalibo ang siyang nangunguna sa may pinakamataas na kaso na may 64, sumunod ang Banga na may 27, bayan ng Malay na may 24, New Washington na may 23 at ang bayan ng Nabas at Buruanga na may parehong tig-21 kaso.

Maliban dito halos lahat naman ng bayan sa Aklan ay mayroong mga kaso ng nasabing dengue ngunit hindi ganoon kataas kumpara sa limang bayan na nabanggit.

Samantala, paalala pa ni Cuachon na kahit ganitong tag-init ay laganap parin ang dengue kung kayat dapat umanong tiyaking malinis ang posibleng pamugaran ng lamok.

No comments:

Post a Comment