Monday, April 04, 2016

APPO Aklan, may paalala sa mga magbabakasyon ngayong Summer Season sa Boracay

Posted April 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for appo aklanMuling nagpaalala ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa mga magbabakasyon ngayong Summer Season sa isla ng Boracay.

Itoy dahil sa paunti-unti na ngayong dumadagsa ang mga local at foreign tourist sa isla kung saan hindi na naman maiiwasan ang magkaroon ng insidente ng nakawan.

Ayon kay PO1 Jane Cahilig Vega ng Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Department, target nila ngayon ang pag-deploy ng mga Police personnel lalong-lalo na ang mga kalalakihang pulis upang mapigilan ang kriminalidad.

Aniya ang pag-dagdag ng mga pulis ay makakatulong upang mas mapaigting at mabantayan pa ang seguridad ng mga residente o mga turista na pupunta sa Boracay.

Samantala, pinayuhan din nito ang mga residente sa Boracay na alamin ang mga hotline numbers na pwedeng tawagan para narin sa kanilang seguridad.

No comments:

Post a Comment