Friday, April 08, 2016

Pagpapatayo ng Solar Street Lights sa mainroad ng Boracay, malapit ng matapos

Posted April 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for solar street lights sa boracayMalapit na umanong matapos ang itinatayong 118 Solar Street lights mula sa station 1 hanggang station 3 sa mainroad ng isla ng Boracay.

Ito ay proyekto ng Local Government Unit (LGU) Malay kung saan kasalukuyan na ngayong umiilaw ang mga nauna ng naitayo.  

Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr. Arnold Solano, nasa sampu nalang ang kailangan nilang maipatayo kung saan inuna nila ang sa mga madidilim na bahagi ng lugar ng isla.

Sa ngayon hinihintay nalang umano nilang matapos ang naturang proyekto kung saan kanila muna itong isinusuri bago maisapinal ang paggamit nito.

Nabatid na ang Solar Street Lights ay iilaw kahit brown out dahil sa taglay nitong lakas na nagmumula sa init ng araw.

No comments:

Post a Comment