Monday, April 04, 2016

Publiko, lalong hinikayat sa Free HIV-Testing

Posted April 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for hiv testingMas lalo pa ngayong hinikayat ng Municipal Heath Office (MHO) Malay ang publiko na sumailalim sa kanilang Free HIV-testing matapos na patuloy na tumataas ang kaso nito.

Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, huwag umanong matakot na subukan ang Free HIV-testing upang agad na maagapan sakaling magkaroon sila nakakamatay na sakit.

Iginiit din nito na kung sino man ang sumailalim sa Free HIV-testing ay magiging confidential ito at walang ibang makakaalam alinsunod sa itinalagang batas para rito.

Samantala, maliban rito ay namimigay din sila ng libreng condom bilang proteksyon sa pakikipagtalik.

No comments:

Post a Comment