Saturday, April 09, 2016

Bayan ng Malay nakatanggap ng Fire Truck mula sa BFP national

Posted April 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal na tinanggap ni Mayor John Yap ng Malay ang bagong Fire Truck mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Martes sa Quezon City Memorial Circle.

Mismong si Pangulong Aquino ang nanguna sa turn-over ng nasabing sasakyan na may bilang na 135 kung saan isa ang bayan ng Malay at Buruangga sa Aklan sa mga nabigyan nito.

Malaki naman ang naging pasalamat ng alkalde dahil sa mayroon na ngayong sariling fire-truck ang Malay.

Nabatid na wala pang sariling fire truck ang mainland Malay ngunit ilang fire truck naman ang mayroon sila sa isla ng Boracay.

Ang nasabing fire truck ay pinondohan ng Department of Interior and Local Government (DILG) National kasama na ang mga bagong patrol car.

Samantala, sa araw naman ng Lunes ay nakatakdang isailalim sa blessings ang naturang sasakyan sa pangunguna mismo ni Mayor John Yap.

No comments:

Post a Comment