Thursday, April 07, 2016

Anak, ini-reklamo ang sariling ama matapos tangkaing saksakin

Posted April 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportNag-dulot ng kaba at takot sa anak na babae ang tangkang pag-hampas ng bote at pag-saksak sa kanya ng sariling ama sa kanilang compound sa Sitio Diniwid Brgy. Balabag, Boracay.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Jennel Mallo 20-anyos at ang ini-rereklamo nitong ama na si Nelson Mallo.

Sumbong ng biktima sa mga pulis, nagkaroon umano sila ng hindi pag-kakaintindihan ng kanyang ama kung saan tinanong niya umano ito tungkol sa kita ng kanilang tricycle.

Dahil dito bigla umanong nagalit sa kanya ang kanyang ama at doon ay tinangka siyang hampasin ng bote ng alak kasabay ng pagtangkang pagsaksak sa kanya ng kutsilyo ngunit mabilis naman itong naawat ng mga tao sa lugar.

Samantala, ang kaso ay ini-refer naman ng Boracay PNP sa Brgy. Justice System ng Balabag para sa kanilang agarang pag-aayos.

No comments:

Post a Comment