Posted April 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na ang Boracay Foundation (BFI) sa mga mga gustong
sumali sa grandest at colorful event ngayong summer, ang 2016 Grand Boracay
Flores de Mayo sa May 21, 2016.
Tampok rito ang tradisyon na Santacruzan kung saan ito
rin ang highlights na kinabibilangan ng mga naggagandahang dilag sa isla
kasama ang kanilang mga escorts suot ang kanilang Filipino traditional costumes
kung saan ito rin ang batayan sa pagpili ng Holy Cross by the Reyna Elena.
Ang Santacruzan ay sasamahan naman ng tugtog ng musika at
entertainment na magpaparada sa white long beach ng isla.
Nabatid na bago magsimula ang programa ay pangungunahan
muna ito ng misa sa alas-3 ng hapon sa Boracay Holy Rosary Church, susundan ng
Blessings of participants, parada, ETA at ang huli ang program/awarding.
Ang Boracay Flores de Mayo ay taunang ginanap sa isla ng
Boracay sa pangunguna ng Boracay Foundation (BFI).
No comments:
Post a Comment