Posted April 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit to Tisha Azarcon |
Simula kahapon Abril 6 ay nagsimula na ang ASEAN Meeting
ng Maritime Working Group sa Hennan Regency Beach Resort and Spa sa isla ng
Boracay.
Ito ay tatlong araw na meeting na magtatapos naman bukas
Abril 8 kung saan dinaluhan ito ng 170 delegates mula sa ASEAN-member countries
ng Brunei Darussalam, Vietnam, Thailand, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia,
Myanmar, Singapore, Pilipinas at nang dialogue partners mula sa Japan at China
para pag-usapan ang maritime concerns at improvement ng transportation
activities.
Pinangunahan naman mismo ni Maritime Industry Authority
(Marina) regional Director Mary Ann Armi Arcilla at Transport and Communication
Assistant Secretary Admiral Lino Dabi ang pag-bubukas ng ASEAN Meeting kahapon.
Kabilang pa sa mga dumalo si Marina administrator Dr.
Maximo Mejia, Jr. acting ASEAN-MTWG chairperson; Director of International
Division, Maritime and Port Authority ng Singapore Dr. Angela Png,
vice-chairperson at ASEAN Secretariat Megasari Widyaty ng Indonesia.
Samantala, mahigpit naman ang ipinapatupad na seguiridad
ngayon sa isla sa pangunguna ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) at ng Philippine Coast Guard.
bape
ReplyDeletepaul george shoes
yeezy 700
off white outlet
goyard
nike off white
fear of god essentials
supreme new york
air jordan
chrome hearts