Friday, April 08, 2016

Turista, ninakawan habang kumukuha ng litratro sa beach area ng Boracay

Posted April 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftTinangay umano ng hindi nakilalang magnanakaw ang cellphone ng isang bakasyunista sa isla ng Boracay habang kumukuha ng litrato sa beach area station 2 kahapon.

Sumbong ng biktimang si Raquel Linquino 33-anyos ng Norzagaray Bulacan at temporaryong nakatira sa isang apartel sa Boracay PNP, kasama niya umano ang kanyang pamilya sa dalampasigan ng magpa-picture sa kanya ang kanyang pinsan kung saan nilagay naman nito ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.

Nabatid na habang nag-pipicture ito ay napansin nalang nito na nawawala na ang kanyang cellphone.

Sinabi naman ng biktima na tanging mga bata lamang na gumagawa ng sand castle ang mga tao sa lugar ng mawala ang kanyang cellphone.

Samantala, patuloy namang inaalam ng mga pulis ang nangyaring nakawan.

No comments:

Post a Comment