YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 09, 2016

Sun Fish natagpuang patay sa baybayin ng Puka Beach sa Boracay

Posted April 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit to Rb Bachiller
Isang endangered na isda ang natagpuan sa baybayin ng Puka Beach sa Brgy. Yapak Boracay kahapon ng alas-8 ng umaga.

Ito ay nakita ng mga tao sa lugar, kung saan agad naman nila itong itinawag sa Philippine Coasgtuard Boracay at ng CENRO Boracay.

Ayon sa PCG-Boracay Sub-Office ito ay may habang 186 centimeter at may lapad na 86 centimeter kung saan nagtamo naman ito ng malaking sugat sa ulo.

Pinaniniwalaan namang kinagat ng mas malalaking isda ang ulo ng Sun fish dahilan ng kanyang agarang pagkamatay at mapadpad sa nasabing lugar.

Samantala, agad naman itong dinala sa CENRO Boracay para sa agarang pagsusuri kung saan kasabay ng pagkakita nito kahapon ay ang pagkapadpad naman ng isang Pawikan sa baybayin ng Angol Point sa station 3 Boracay.

Ang naturang isda ay bihira lamang na nakikita sa karagatan at ito ay pinaniniwalaang isang endangered fishes.

No comments:

Post a Comment