Thursday, April 07, 2016

MTour Malay, nakalatag na ang preparasyon para sa La Boracay 2016

Posted April 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for la boracayNakalatag na ang preparasyon ng Municipal Tourism Office (MTour) Malay sa gaganaping La Boracay na magsisimula sa April 26-May 7, 2016.

Ayon kay Chief Tourism Operation Officer Felix Delos Santos, handang-handa na ang kanilang departamento  sa lahat ng mga dapat gawin sa nasabing event, kasabay narin sa nalalapit na selebrasyon ng “ Fiesta De Obreros” sa May 1 ng susunod na buwan.

Aniya naka-fucos sila sa apat na ibat-ibang area ng information education campaign kung saan isa dito ay magbibigay sila ng tips sa mga agencies kung paano maprotektahan ang isla, mga flyers na naglalaman ng kaalaman kung ano ang mga hindi dapat gawin.

Kaugnay nito, makikipag-pulong umano sila kasama ang Boracay Action Group o (BAG) kung saan kasama din nila dito ang mga force multipliers, kaugnay sa plano kung ano ang mga dapat gawin para sa seguridad ng mga taong magbabakasyon sa isla.

Samantala, naka full force narin umano pagdating sa emergency preparedness ang Red Cross Boracay-Chapter, BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay sakaling magkaroon ng problema sa kalusugan ang mga bisita.

Payo ni Delos Santos sa mga magbabakasyon sa isla ng Boracay na magbigay respeto, maging responsable at sumunod sa mga rules and regulation dito upang hindi masita ng mga otoridad.

No comments:

Post a Comment