Tuesday, April 05, 2016

Chinese national, pinagtulungang nakawin ang motorsiklo; mahigit 150K tinangay

Posted April 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNanlumo ang isang Chinese national na nagsumbong sa Boracay PNP matapos tangayin ng mga magnanakaw ang kanyang motorsiklo kasama ang perang mahigit P150, 000 sa Sitio Diniwid Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Dong li 36-anyos Manager ng isang restaurant at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy.

Sa report ng Boracay PNP, pauwi na umano ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo ng bigla itong abangan ng dalawang hindi nakilalang suspek na lalaki at inagaw ang kanyang motor saka mabilis na sinakyan at tumakas.

Samantala, napag-alaman na mayroon palang lamang pera ang kanyang u-box kung saan sinasabing kita ito mula sa kanyang imina-manage na restaurant.

Nabatid na sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis may nakapag-sabi sa kanila na nakita ang motorsiklo malapit din sa lugar kung saan agad naman nilang pinuntahan ito at tiningnan ang u-box ng motorsiklo kung saan nakalagay ang pera ngunit nawawala na ito.

No comments:

Post a Comment