Tuesday, April 05, 2016

Lalaki, ini-reklamo ng pagnanakaw ang kaibigan

Posted April 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftHindi umano inakala ng isang lalaki na pagnanakawan siya ng kanyang sariling kaibigan sa boarding house nito sa Talipapa Bukid, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP nakilala ang biktima na si Jose Ramil Alleno 43-anyos, isang waiter at residente ng Bulak Bata, Iloilo habang ang suspek na kaibigan nito ay kinilalang si certain “Joshua” ng Estancia Iloilo.

Nabatid na naglalaba umano ang dalawa sa boarding house ng biktima ng biglang pumasok  ang suspek sa loob ng kanyang kwarto ngunit hindi naman umano niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.

Samantala, ng pagpasok ang biktima sa kanyang kwarto ay nabigla nalang ito ng makita ang kanyang mga damit na nakakalat na kasabay ng pagkawala ng kanyang cellphone, relo, gold na bracelet at P500 na pera na pinaniniwalaang kinuha ito ng kanyang kaibigan.

Sa ngayon patuloy ng ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa nasabing nakawan kung saan pinaghahanap na rin nila ngayon ang suspek.

No comments:

Post a Comment