Wednesday, April 06, 2016

SB Session ng Malay napuno ng tensyon dahil sa campaign sticker material

Posted April 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Napuno ng tensyon ang ginanap na 14th Regular SB Session ng Malay nitong Martes dahil sa campaign sticker material ng Team Magkasangga.

Sa naturang session nagkaroon ng privilege speech si SB member Floribar Bautista kaugnay sa natanggap umano nitong report sa Boracay na kung madidikitan ng sticker ng nasabing grupo ang motorbike na walang kaukulang permit ay hindi na umano ito mahuhuli sa violation.

Dahil dito agad namang pinabulaanan ni SB member Jupiter Gallenero ang naturang alegasyon dahil sa hindi umano ito totoo at marahil may sticker lamang umano ang mga ito dahil sila ay supporters ng nasabing grupo.

Samantala, hiniling pa ni Bautista na magtalaga ng committee para imbistigahan ang naturang alegasyon upang mapanagot umano ang nasa likod nito.

Nabatid na nag-ugat ang sagutan ng dalawang panig dahil sa mga sinasabing single motorbike sa Boracay na walang permit to transport at patuloy na nakakapasok sa isla.

No comments:

Post a Comment