Posted April 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Handa na umano
ang mahigit 61 atletang maglalaro sa darating na Palarong Pambansa na gaganapin
sa Legazpi City, Albay mula April 10-16, 2016.
Ayon kay
DepEd-Aklan Education Program Supervisor Mary Ann Lopez, ito umano ang
kauna-unahan na ang ilan sa mga magagaling na atleta ng probinsya ng Aklan ay
maglalaro sa Palarong pambansa sa Legaspi City.
Isa umano dito ay
si Kyla Suguilon ng Kalibo na maglalaro sa swimming category habang si Angelica
de Josef at Christiane Paul Tiongson ng Lezo, Aklan ay nasa runner category.
Nabatid na ang
Aklan ang nakakuha ng pangalawang spot sa nakaraang 2016 Western Visayas
Regional Athletic Association (WVRAA) noong Pebrero sa probinsya ng Iloilo.
Ang Albay at
DepED regional office V ang siyang mangangatawan ngayong taon sa nasabing
Palarong Pambansa katuwang ang mga Schools Division Offices ng Albay Legaspi
City kung saan umaasa naman sila na mahigit 18, 000 atleta ang lalaro dito
kasama mula sa 18 regions sa bansa.
No comments:
Post a Comment