Friday, April 08, 2016

Buhay na Pawikan muling napadpad sa baybayin ng Boracay

Posted April 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang mahinang Pawikan ang natagpuan sa dalampasigan ng Boracay sa station 3 Angol Point kaninang umaga.

Nakita ang naturang pawikan ng mga tao sa lugar na agad namang dinala ng mga taga Philippine Coastguard sa command post area.

May haba naman itong 63 centimeter at may laking 46 centimeter kung saan nanghihina ito at hindi na kayang lumangoy sa tubig.

Samantala, pinakawalan muna sa tubig ang naturang pawikan habang binabantayan ng mga taga Coastguard kung saan nakatakda itong suriin ng mga taga CENRO Boracay.

 Nabatid na ito ang ikatlong pawikan na napadpad sa dalampasigan ng Boracay ngayong taon kung saan ang naunang nakita sa Bulabog ay namatay gayon din ang pangalawa na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parti ng katawan ng mga ito.

No comments:

Post a Comment