Friday, April 08, 2016

Dahil sa bakud, kapatid na lalaki ipinakulong ng half-brother

Posted April 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongIpinakulong ng kanyang half-brother ang kapatid nito matapos silang mag-away dahil sa bakud sa kanilang tahanan sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Alfredo Tablanti 29-anyos habang ang suspek naman na half-brother nito ay si Victor Tenoso 30-anyos kapwa construction worker at parehong nakatira sa nasabing Brgy.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC), nagkaroon umano ng hindi pag-kakaunawaan ang dalawa dahil lamang sa isang bakud.

Dahil dito, hinampas umano ng bote ng alak ng suspek ang biktima sa kanyang ulo, na agad naman nitong naharang ngunit nagkaroon siya ng sugat sa kanyang kaliwang kamay.

Nabatid, na agad namang ni-respondihan ng mga pulis ang lugar kung saan nahuli naman ang suspek at ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment