Wednesday, April 06, 2016

Summer Job sa mga kabataan sa Malay tinalakay sa Session

Posted April 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for summer jobTinalakay ngayong Martes sa Sangguniang Bayan Session ang tungkol sa summer job para sa mga kabataan sa bayan ng Malay.

Ito’y matapos sabihin ni SB Member Rowen Aguirre sa kanyang privilege speech ang tungkol sa reklamo ng ilang mga magulang ng mga kumukuha ng summer job na madami pa umanong hinahanap na requirements kung saan isa rito ang endorsement mula sa kapitan.

Dahil dito nakatakdang ipatawag sa susunod na session ang MPDO o Municipal Planning Office para alamin kung anong mga requirements at mga benefits ang makukuha rito ng mga mag sa-summer job sa LGU Malay.

Nabatid na ang MPDO ang siyang may hawak sa mga summer jobbers kung saan bawat brgy. sa Malay ay kumukuha sila ng mga kabataan na gustong mag-trabaho habang walang pasok sa paaralan.

No comments:

Post a Comment