Posted April 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni
Aklan Electric Cooperative o (AKELCO) OIC Gen. Manager Joel Martinez sa
himpilang ito para sa nalalapit na National at Local election sa bansa.
Kaugnay nito,
sinabi ni Martinez na nakapaloob sa kanilang contingency plan na ang lahat na
mga poll precinct na malalayo sa linya ay gagawan at i-uupgrade nila upang hindi
umano ma-interrupt ang linya ng kuryente kung saan naka-full alert din ang
kanilang bomtruck heavy equipment sa sandaling magkaroon ng problema dito.
Samantala,
sumulat na rin umano ang AKELCO sa dalawang ahensya na National Grid
Corporation Philippines (NGCP) at Global Business Power Corporation (GBPC) upang
mabigyan sila ng tulong sakaling magkaroon ng problema ang kanilang supply ng
kuryente sa oras ng eleksyon.
No comments:
Post a Comment