Monday, April 04, 2016

Tsibugan sa Kapitolyo aarangkada sa 60th Anniversary ng Aklan

Posted April 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for AKLAN ANNIVERSARY
Aarangkada sa selebrasyon ng 60th Anniversary ng Aklan ang 14th Tsibugan sa Kapitolyo Food Festival sa darating na Abril 21 hanggang 26, 2016.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Philippine Chamber of Commerce & Industry Inc. (PCCI-Aklan), at sa pakikipag-kooperasyon sa Provincial Government ng Aklan.

Nabatid na ito ang taunang food festival na joint project ng Provincial Government at ng PCCI-Aklan kung saan layun nitong i-promote ang local food at restaurants sa probinsya.

Kauganay nito ang Tsibugan sa Kapitolyo ay magkakaroon din ng Rakrakan sa Tsibugan (Battle of the Bands) kung saan bukas ito sa lahat ng amateur bands, high school, college level, o group/members batsa Aklanon.

Samantala maliban sa mga nabanggit magkakaroon din sa naturang okasyon ng Talentadong Aklanon na bukas rin sa lahat ng Aklanon talents.

No comments:

Post a Comment