Monday, April 04, 2016

Magkapatid, arestado sa Comelec Gun Ban sa Boracay

Posted April 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec gun banArestado ang magkapatid na Taonan matapos na mahuli sa violation ng COMELEC Resolution 10051 o COMELEC Gun Ban sa isla ng Boracay.

Nakilala ang mga naaristong sina Jay-R Taonan, 23 anyos at ang kapatid nitong 16-anyos na residente ng Sitio Tulubhan, Brgy Manocmanoc, Boracay.

Base sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman umano ang dalawang nag-rereklamo ng biglang dumating ang dalawang suspek at ng walang kadahilanan ay nagbitaw ang mga ito ng masasamang salita sabay bunot ng isa sa mga suspek sa kanyang bewang ng dalang patalim.

Dahil sa takot ay agad namang nakatakas papalayo ang mga biktima para humingi ng tulong sa Barangay Tanod at sa mga pulis sa lugar.

Nabatid na ang kutsilyo ay tinatayang may habang 13 inches kung saan nakuha ito sa posisyon at kontrol ni Jay-R.

Samantala, ang dalawa ay nahaharap ngayon sa violation COMELEC Resolution 10051 o COMELEC Gun Ban at ngayon ay nakakulong na sa Aklan Rehabilitation Center sa Nalook bayan ng Kalibo, Aklan.

No comments:

Post a Comment