Monday, April 11, 2016

Babaeng wanted sa kasong pagnanakaw, arestado sa Boracay PNP

Posted April 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongArestado sa Boracay PNP ang isang babaeng wanted sa kasong pagnanakaw sa Sitio Manggayad Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Sa pinagsamang pwersa ng APPO tracker team, Maritime Police, Boracay PNP, Ibajay PNP at FPAN PNP Force Multiplier nahuli ang suspek na si Donamae Dujali 36-anyos residente ng Purok 1, Brgy. Laguinbanua, Ibajay, Aklan at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy.

Inaresto ang suspek sa pagnanakaw ng pera kung saan tatlong beses na rin itong sinampahan ng kaso na nilagdaan ni Hon. Judge Ronald Exmundo ng 6th Judicial Region, Branch 4 Kalibo at presiding Judge Nelson Bartolome ng RTC 6th Judicial Region, Branch 8, Kalibo na may parehong petsang March 31, 2016.

Samantala, naglaan naman ng P24, 000 at P 40, 000 na piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na ngayon ay ikinustodiya na sa Ibajay PNP para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment