Saturday, April 23, 2016

Comelec Aklan, nag-paalala para sa liquor ban ngayong eleksyon

Posted April 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for liquor banNag-paalala ngayon ang Commission on Elections (Comelec) Aklan kaugnay sa ipapatupad na liquor ban dalawang linggo bago mag-halalan sa Mayo.

Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng Commission on Elections (Comelec) Aklan at ngayon ay Malay Comelec Officer II, dapat sundin ng mga bar sa isla ng Boracay ang umiiral na resolusyon para rito gayon din sa buong Aklan.

Ito umano ay batay sa Resolution No. 10095 na may lagda ng lahat ng myembro ng Commission En Banc alinsunod sa Omnibus Election Code.

Dito ipinagbabawal umano nila ang ang pagbibinta at pag-alok ng nakakalasing na inumin kung saan base sa nasabing resolusyon ay magsisimula ito sa Mayo 8 o bisperas ng eleksyon na magtatagal naman hanggang sa araw ng halalan Mayo 9 sa buong Pilipinas.

Nabatid na ang lalabag sa liquor ban ay mapapatawan ng isa hanggang anim na taong pagkabilanggo at maaari ding mapatawan ng disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno o kunan ng karapatang makaboto.

No comments:

Post a Comment