Posted April 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa sinasabing pag-phase out ng mga tricycle unit sa
isla ng Boracay ay isa na namang kumpanya ng e-trike o electric tricycle ang
gustong pasukin ang operasyon sa isla.
Ito’y makaraang magkaroon sila ng presentasyon ng
kanilang kumpanya at ng kanilang produkto sa ginanap na SB Session ng Malay
nitong Martes.
Ang Prozza Hirose Manufacturing Inc. ay ilan lamang sa
mga kumpanya ng e-trike na gustong mag-operate sa isla ng Boracay.
Base sa presentasyon ng nasabing kumpanya, nagkakaroon
sila ngayon ng operasyon sa Cebu City kung saan may malaking pagkaka-iba ito
kumpara sa mga e-trike ngayon sa Boracay.
Nabatid na kung sakaling papayagan ng konseho ang
kanilang hiling ay gagawa sila ng sariling specification para lamang sa Boracay
base na rin sa inilabas na desisinyo at sukat ng LGU Malay.
Maliban dito ang Prozza Hirose, umano ay maglalagay ng isang charging station
sa isla kasama na rito ang apat na swapping stations sa tatlong brgy. sa Boracay
kung saan maaari namang magkarga ang nasabing sasakyan ng dalawang baterya
bilang ang isa ay reserba.
Samantala, isasailalim muna ito sa committee hearing sa
pangunguna ng committee on Transportation bago magkaroon ng desisyon ang
konseho.
No comments:
Post a Comment