Monday, April 18, 2016

MS Insignia na may sakay na mahigit 500 turista dadaong sa Boracay ngayong araw

Posted April 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for MS InsigniaNgayong araw ng Lunes ay nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ang MS Insignia ng Oceania Cruises na may sakay na tinatayang limang daan at limampung pasahero.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration Caticlan, dadating umano ang naturang cruise ship ngayong alas-9 ng umaga at magtatagal naman hanggang mamayang ala-6:00 ng gabi.

Karamihan naman umano sa mga sakay nitong mga pasahero ay mga European tourist kung saan magkakaroon naman sila ng ibat-ibang aktibidad sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang MS Insignia ay mayroong 300 crew kung saan ito din ang kauna-unahang pagbisita nito sa Boracay.

Samantala, isang maiden-call naman ang magganap sa loob ng barko sa pagitan ng kapitan nito at ng ibat-ibang concern agencies sa probinsya ng Aklan, provincial government at ng Department of Tourism (DOT).

No comments:

Post a Comment