Thursday, April 21, 2016

Bayan ng Malay, itinanghal na kampeon sa ginanap na Rescuelympic 2016

Posted April 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit: Mar Schonenberger
Muli na namang tinanghal na kampeon ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDDROMO) ng bayan ng Malay sa isinagawang Rescuelympics ng Governors Cup 2016 sa Calangcang Sports Complex kahapon.

Ayon kay Local Disaster Risk Management Council Officer 4 o ( LDRMCO) Head Galo Ibardolasa, karapat-dapat naman umanong manalo ang MDRRMO Malay dahil sa kanilang ipinakitang galing sa nasabing patimpalak.

Maliban sa pagiging kampeon hinakot pa nila ang siyam na award laban sa labing isang bayan na sumali dito kung saan nanalo sila bilang Best in first aid scenario, Best in Fire Fighting, Best in Uniform, Best in safety analysis, Best in water search and rescue, Best in Most discipline, Best in Multiple Casualty Scenario, Best Swimmer at Best in admin for the first to third class Municipality.

Samantala, itinanghal naman bilang 1st Runner up ang bayan ng Kalibo habang 2nd runner up naman ang MDRRMO sa bayan Batan.

Nabatid na tatlong sunod na taon ng nananalo ang MDDRMO ng Malay simula noong 2014, 2015 at ngayong 2016.

No comments:

Post a Comment