Tuesday, April 19, 2016

Driver ng isang resort sa Boracay, tinambangan ng magnanakaw

Posted April 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for robberyTinambangan ng tatlong lalaking suspek sa pagnanakaw ang isang walang kalaban-laban na driver ng isang resort sa isla ng Boracay.

Nakilala ang biktima na si Joel Absalon 29-anyos residente ng Sitio Ayala, Brgy. Yapak, Boracay.

Sumbong ng biktima sa mga pulis ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC), umiihi umano siya sa madilim na bahagi ng lugar ng may biglang lumapit sa kanyang tatlong hindi nakilalang lalaki kung saan ang isa dito ay hinila ang kanyang kamay patalikod at ang isa naman ay tinutukan siya ng kutsilyo habang ang isa ay kumuha ng kanyang bag na dala.

Napag-alaman na nag-lalaman ang kanyang bag ng wallet, drivers license, ATM card na may lamang P10, 000 at cash na pag mamay-ari ng kanyang amo na mahigit P27, 000 habang nakuha din dito ang gamit at perang P2,000 ng kanyang live-in partner na dala-dala niya.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis ang tatlong suspek na tumangay sa dala-dalang pera ng biktima.

No comments:

Post a Comment