Posted April 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpahayag ng
pagtulong ang isang malaking cable operator sa bansa para sa Coral
Rehabilitation Program ng Boracay Foundation Inc. (BFI).
Ito ay sa
pamamagitan ng isasagawang fun run sa isla ng Boracay ngayong Abril 23, 2016
kung saan tinatayang 800 run enthusiasts ang sasali rito na kinabibilangan ng
mga residente ng Boracay at mga turista para sa isang weekend celebration with
a cause.
Dahil dito bukas
ang registration para sa dalawang categories na 5k at 10k na magsisimula ng
alas-6: ng umaga sa D’mall beach area Station 2.
Nabatid na ang
malilipon sa isasagawang fun run ngayong taon ay para mailigtas ang mga korales
sa isla sa pamamagitan ng Coral Refurbishment Project ng BFI.
Samantala, base
sa BFI tutulong din umano ang executives ng naturang kumpanya sa pagtatanim ng
mga korales sa isla para sa pagpapakita ng suporta para sa kapaki-pakinabang na
dahilan.
No comments:
Post a Comment