Wednesday, April 20, 2016

MHO nagpadala ng sulat sa SB Malay kaugnay sa sementeryo sa Balabag Boracay

Posted April 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpadala ng sulat sa Sangguniang Bayan ang Municipal Health Office (MHO) Malay sa pangunguna ni Dr. Adrian Salaver.

Ito ay kaugnay umano sa sementeryo sa Balabag Boracay, kung saan tinutukoy nito ang kalusugan ng mga tao sa lugar.

Napag-alaman kasi na marami umanong kabahayan sa paligid ng libingan na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga taong nakatira na malapit sa area.

Sinabi naman ni SB member Frolibar Bautista, na kailangan talagang magkaroon ng distansya ang mga kabahayan sa area kabilang na ang pagpapapatayo ng mataas na bakud.

Dahil dito ini-refer ng konseho ang naturang usapin sa Committee on Land Use at sa Committee on Laws kung saan nakatakda itong isailalim sa committee hearing.

Nabatid hinihigpitan ngayon ang monitoring ng MHO sa pangunguna ng Sanitation Unit pagdating sa kalusugan at kalinisan ng mga tao sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment