Posted April
21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by: Rody Duterte page at Pastrana Park Kalibo, Aklan |
Bago ito sinasabing alas-12 ng tanghali darating si
Duterte sa Boracay ngunit nagpalabas ng pahayag si Atty. Joseph Encabo, Team
campaign ni Duterte na hindi na ito matutuloy sa isla dahil sa isang malaking
meeting.
Image by Ms. D at Boracay Regency |
Ngunit muling nagpalabas ng pahayag ang Executive Secretary
ni Duterte na si Bong Go, kung saan sinabi nito na alas-2 ng hapon ay matutuloy
ang pagdating ng Mayor sa isla ngunit inabot naman ito ng hanggang alas-4 ng
hapon.
Mula sa Brgy. Yapak kung saan lumapag ang sinakyan nitong
helicopter ay agad na dumirtso si Duterte sa Boracay Regency para dumalo sa
isang convention sakay ng isang van kung saan hindi na nga natuloy ang
motorcade nito dahil sa hinahabol na oras.
Matapos nito ay agad namang nagtungo si Duterte sa bayan
ng Kalibo sakay ng kanyang helicopter kung saan sinasabing alas-9 na ng gabi
nakarating ang Mayor at doon ay sinalubong siya ng libo-libong Aklanon
supporters na ilang oras ng hintay sa kanya.
Samantala, sinasabing bago dumating sa Aklan ang Presidential
candidate, ay nagsilabasan ang mga balita na magkakaroon ng assassination kay Duterte
ngunit wala namang nagkumpirma tungkol dito.
Nabatid na umaga palang ay halos puno na ng mga
supporters ang Balabag Plaza para sa pagdating ni Duterte gayon sa Pastra Park
sa bayan ng Kalibo kung saan isinagawa ang concert/rally nito.
No comments:
Post a Comment