YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 25, 2016

Security plan sa Malay para sa nalalapit na eleksyon kasado na

Posted April 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by BTAC
Ilang araw nalang bago sumapit ang inaabangang national at local election sa Mayo 9, 2016 sa buong Pilipinas.

Dahil dito inilatag na rin ng Commission on Elections (Comelec) Malay ang security plan para sa rito lalo na sa isla ng Boracay.

Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nagsagawa ng Contingency Planning and Coordinating Meeting ang Comelec Malay sa pangunguna ni Crispin Raymund Gerardo, Malay COMELEC Election Officer.

Napag-usapan sa nasabing meeting ang tungkol sa preparasyon sa Mayo 9 kung saan kinakailangan magkaroon ng mga bantay na pulis sa bawat lugar na pagdadausan ng halalan sa buong bayan gayon din ang mahigpit na seguridad para sa mga gagamiting machine o balota sa botohan.

Samantala, kasama sa mga dumalo sa meeting ay sina PINSP Jose Mark Anthoy Gesulga, BTAC Deputy Chief at SPO1 Christopher Mendoza, PCR PNCO kasama pa ang PNP Malay, Task Group Boracay-Philippine Army at MDRRMO-Malay.

Ang bayan ng Malay ang siyang pangalawa sa may pinakamaraming botante sa buong probinsya ng Aklan dahil sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment