Saturday, April 23, 2016

Security guard, ini-reklamo matapos pasukin ang isang babae sa loob ng kwarto

Posted April 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotterReklamo ang inabot ng isang security guard matapos niyang pasukin sa loob ng kwarto ang isang babaeng ng walang paalam sa Station 2 Brgy. Bulabog, Boracay kaninang madaling araw.

Ayon sa report ng Boracay PNP, papasok na umano ang nag-rereklamong si certain “My” sa kanyang kwarto para sana magpahinga galing sa inuman ng bigla siyang itext ng security guard ng apartment, kung saan siya nanunuluyan na kung pwedi ay makikitulog umano ito sa kanya.

Ngunit dahil naman sa takot ng biktima ay nagtago ito sa banyo ng kwarto pero, laking gulat naman nito sa kanyang paglabas na naka-pasok na umano ang sekyu sa loob ng wala manlang sira ang lock ng pintuan.

Sa kabila nito wala naman umanong ginawa sa kanyan ang naturang guard ngunit dahil sa takot ay minabuti niya itong ireklamo sa Boracay PNP para sa kanyang seguridad.

No comments:

Post a Comment