Friday, April 22, 2016

Grupo ng mga Aeta at Badjao Mendicants sa Boracay na-rescue

Posted April 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Boracay PNP photos
Isa na namang grupo ng mga Aeta at Badjao Mendicants o namamalimos ang na-rescue ng mga otoridad sa mainroad ng isla ng Boracay kahapon.

Ito ay sa pinag-samang pwersa ng Boracay PNP, Municipal Auxiliary Police, Tourism Regulatory Enforcement Unit at Barangay Tanod ng Manocmanoc sa pangunguna ng MSWDO-Boracay at ni PINSP Jinky Lou Ramos, Chief of Women and Children Protection Desk.

Na-rescue ang mga Aeta at Badjao sa nasabing operasyon sa area ng Talipapa Bukid kung saan nakahilira ang mga ito sa gilid ng daan para mag-binta ng kung ano-anong klaseng gamot na sila mismo ang gumagawa kasabay ng pamamalimos.

Ayon naman kay Senior Police Officer I Christopher Mendoza ng BTAC Police Community Relations, nanggaling pa umano ang mga nasabing Badjao sa Zamboanga habang ang mga Ati naman ay sa Kalibo.

Samantala, agad rin umano nilang itinawid sa isla at itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)-Malay ang mga na-rescue.

No comments:

Post a Comment