Monday, April 18, 2016

SP session ng Aklan, magpapatuloy umano sa kabila ng pagiging busy sa pangangampanya

Posted April 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Patuloy parin umano ang isasagawang SP session ng Aklan sa kabila ng pagiging busy ng ilang mga kandidato sa kanilang pangangampanya para sa nalalapit na halalan.

Ayon sa Sangguniang Panlalawigan Aklan, simula umano ngayong linggo ay magiging busy na ang kanilang opisina dahil sa mga nakanbinbing usapin na dapat talakayin ng buong konseho.

Nabatid na walang magiging recess ang SP dahil sa ibat-ibang committee hearing ang kanilang itinakda.

Samantala, sa kabila naman umano ng patuloy na session ng SP ay hindi rin tumitigil ang mga opisyal na kandidato sa pangangampanya lalong-lalo na ang mga re-electionist upang muling mahalal bilang SP.

No comments:

Post a Comment