Tuesday, April 19, 2016

Boracay Action Group kasado na sa motorcade ni Mayor Duterte sa Boracay bukas

Posted April 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for duterte in kaliboBukas na araw ng Miyerkules Abril 20, 2016 ang nakatakadang motorcade ni Presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte sa isla ng Boracay.

Dahil dito nagsagawa na rin ng pag-pupulong ang Boracay Action Group (BAG) na pinangunahan nina BTAC PCInsp Nilo Morallos at Deputy PInsp Mark Anthony Gesulga kasama ang PA Task Force Boracay Group (BAG) na si Capt Niño Tonalejo sa Presidential Candidate ni Duterte na si Security Officer (Ret) PSupt Dionisio Abude at ang kanyang grupo.

Dito, pinag-usapan nila ang tungkol sa ruta ng dadaan ng nasabing motorcade patungo sa isang event na dadaluhan ni Duterte sa isla.

Nabatid na inaasahan umano nila ang matinding trapiko sa isla bukas kasabay ng pag-sisilabasan ng mga supporters ni Duterte.

Samantala, isang concert-rally rin ang magaganap sa Pastrana Park sa bayan ng Kalibo bukas ng ala-1 ng hapon na dadaluhan mismo ni Duterte kasama ang Mocha Girls.

No comments:

Post a Comment