Friday, April 22, 2016

Disc Jockey, kulong matapos manggulo sa loob ng isang bar

Posted April 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongArestado ang isang Disk Jockey o DJ matapos ireklamo ng panggugulo sa loob ng isang bar sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, naka-inom umano ang suspek na si certain “Ong” ng manggulo ito sa loob ng bar kung saan nagbigay ito ng takot sa ibang mga bisita.

Agad naman itong inawat ng dalawang bouncer na sina Jeabon Gonzales 26-anyos at Philip Tambong 30-anyos ngunit ikinagalit umano ito ng suspek kung saan tinulak niya ang dalawa at hinamon ng away.

Samantala, sa pag-respondi naman ng mga pulis sa lugar ay nahuli ang suspek at ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa Boracay PNP dahil sa nasabing insidente. 

No comments:

Post a Comment