Friday, April 22, 2016

Fire Station sa Mainland Malay planong itayo sa Caticlan

Posted April 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for fire stationPina-planuhan na ngayon ang pagpapatayo ng Fire Station sa bayan ng Malay.

Itoy dahil sa pag-pursige at makikipag-tulungan sa mga lokal na ahensya ng Malay para ma-aprobahan ang pagpapatayo ng nasabing Fire station.

Ayon kay Head Officer Marlo Schonenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay, malaki umanong tulong sa kanila na ma-aprubahan na  ang ipapatayong Fire station kung saan ang napili umano nilang pagtatayuan nito ay sa Caticlan proper.

Sakaling maipatupad ang naturang proyekto ay sinasabing ang Department of Interior and Local Government (DILG) Malay ang magbibigay ng pondo para sa construction nito.

No comments:

Post a Comment