Tuesday, April 19, 2016

Turista sa Boracay tuloy-tuloy na ang pagbuhos

Posted April 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Halos siksikan na ang beach area ng isla ng Boracay dahil sa dami ng mga turistang nagbabakasyon.

Base sa tala ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay, patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagbabakasyon turista sa isla kung saan karamihan naman sa mga ito ay mga local tourist.

Nabatid na malapit na ang kina-aabangang LaBoracay 2016 kung saan ibat-ibang aktibidad ang magaganap sa isla simula sa susunod na linggo hanggang sa Mayo 1, 2016.

Sa ngayon mistulang siyudad na rin ang isla dahil sa matinding trapiko na nararanasan kung saan nagkaka-ubusan na rin ng mga sasakyan dahil sa dami ng pasahero.

Samantala, all-out naman ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad sa seguridad ng mga turista at para sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment