Posted April 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by Boracay PNP |
Nakiisa ang Boracay PNP sa taunang Simultaneous
Earthquake Drill kahapon araw ng Huwebes bilang paghahanda sakaling magkaroon
ng lindol.
Ito ay pinamunuan ni PINS. Jose Mark Anthony Gesulga,
Deputy Chief ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Dito sumailalim ang mga pulis sa drill ng Alarm,
Response, Evacuate, Headcount, at Evaluate format na pangkaraniwang bahagi ng
isang earthquake drill.
Nag-simula din ito sa isang minutong putul-putol na tunog
ng sirena na sumisimbolo sa lindol kung saan ginawa nila ang pagsunod sa “Duck,
Cover, at Hold” routine habang tumutunog ang sirena na susundan ng paglabas sa gusali.
Ang Simultaneous Earthquake Drill na ito ay inorganisa ng
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan
layon nito na maihanda ang mga Pilipino sa lindol dahil sa ang Pilipinas ay
matatagpuan sa Pacific Ring of Fire na nag-reresulta ng kadalasang paggalaw ng
mga lupa at ang pagiging aktibo ang mga bulkan.
No comments:
Post a Comment