Wednesday, April 20, 2016

Pagpapatayo ng Navigational lighthouse sa Malay sumailalim na sa Groundbreaking

Posted April 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ginanap na kahapon ang Groundbreaking ceremony para sa construction ng Navigational Lighthouse sa brgy. Sambiray sa bayan ng Malay.

Ito ay pinangunahan mismo ni Mayor John Yap at ni MGLOO Mark Delos Reyes ng DILG kasama ang mga department heads ng nasabing bayan.

Nabatid na ang budget para rito ay mula sa napanalunan ng Malay sa Seal of Good Local Governance (SGLG) noong nakaraang taon kung saan nagkakahalaga ito ng P3 Million.

Samantala, kasama naman sa mga sumaksi rito ay ang Philippine Coastguard (PCG) Brgy. Officials ng Sambiray at Engineering Office.

Ang Navigational Lighthouse ay ginagamit para sa pag-monitor sa karagatan gayon din sa mga mangingisda na gumagamit lamang ng maliliit na bangka kung saan ang PCG naman ang mag-ooperate nito.

No comments:

Post a Comment