Friday, April 22, 2016

Dating book keeper, inireklamo ng pagnanakaw ng isang German national

Posted April 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftInireklamo sa mga pulis ng isang German national at may-ari ng isang resort sa Boracay ang kanyang dating book keeper ng pagnanakaw.

Ito’y matapos napag-alaman na hindi umano naibayad ng suspek na si certain “joy” ang pera para sana sa BIR simula 2015 hanggang 2016 na nag-kakahalaga ng mahigit P6, 000.

Ayon sa nag-rereklamong si Ludwig Borchers 64-anyos, wala umanong maibigay sa kanyang resibo ang suspek matapos niya itong kunin sa kanya.

Sa kabila nito hindi na rin mahagilap ng nag-rereklamo ang nasabing suspek simula ng umalis ito noong Enero 2016 dahilan para ireklamo na niya ito sa mga pulis.

No comments:

Post a Comment