Monday, April 18, 2016

American national, ini-reklamo ng pananakal ng dalawang pedicab driver

Posted April 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportReklamo ang inabot ng isang turistang American national matapos umano nitong sakalin ang dalawang pedicab driver sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang dalawang biktima na si Mark Anthony Alvarez 21- anyos at Jimmy Escasulatan 26-anyos kapwa residente ng Brgy. Laserna, Nabas, Aklan habang ang suspek ay si Brian Lamb.

Sa report ng Boracay PNP, naka-upo umano si Escasulatan sa kanyang pedicap ng nilapitan siya ng suspek at sinakal gayon din si Alvares at sabay tulak rito kung saan mabilis naman itong tumakas papalayo.

Samantala sinasabing ang dahilan ng insidente ay napag-kamalan umano ng suspek na ang dalawa ang siyang dumura sa kanyang kaibigan.

Nabatid na agad namang nagka-ayos ang dalawang panig matapos ang maayos na pag-uusap at paghingi ng tawad ng suspek sa mga biktima.

No comments:

Post a Comment