Saturday, April 23, 2016

Pili-Malay Political Forum ngayong araw, handang-handa na

Posted April 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Handang-handa na ang isasagawang PILI-Malay Political Forum 2016 mamayang alas-4 ng hapon sa Balabag Plaza isla ng Boracay.

Ito ay sa pangunguna ng KBP, Yes Fm Boracay at ng PCTV katuwang ang Comelec-Malay, PPCRV, PCCI-Boracay, BFI at ang Hennan Group of Resorts.

Dito mag-haharap sa nasabing forum o debate ang mga kandidato para sa pagka-mayor at vice-mayor ng bayan ng Malay.

Nabatid na layun ng programang ito na mas lalo pang makilala ng mga botante ang mga nag-nanais na maglingkod sa nasabing bayan at ang karapat-dapat na mahalal sa gobyerno.

Samantala, inaasahan naman na aabot sa isang libong mga supporters ng dalawang partido ang sasaksi sa nasabing forum na kauna-unahang ginawa sa bayan ng Malay para sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 9, 2016.

No comments:

Post a Comment