Wednesday, April 20, 2016

Helper cook, nag-reklamo matapos suntukin sa loob ng bar

Posted April 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for blotter reportNamamaga pa ang mukha ng isang helper cook ng magsumbong sa Boracay PNP matapos suntukin sa loob ng bar sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay.

Si Leonard Faa,  19-anyos ng Odiongan, Romblon ay nagsumbong sa mga pulis kung saan sinabi nito na noong papalabas na umano siya sa bar ay bigla itong sinuntok ng hindi nakilalang lalaki sa kanyang mukha kung saan nag-resulta naman ito ng pasa at pamamaga.

Nabatid na sinubukan pang lumaban ng biktima ngunit sa kasamaang palad ay aksidente nitong nasuntok ang kanyang nobya.

Samantala sinasabing kalasingan ang siyang dahilan ng nangyaring insidente kung saan nagawa umanong mang-trip ng suspek sa loob ng bar.

No comments:

Post a Comment