Wednesday, April 20, 2016

Portable Cr na gagamitin sa LA Boracay, aprobado na ng LGU Malay

Posted April 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprobado na ang gagamiting Portable Cr ng Local Government Unit o (LGU) Malay para sa nalalapit na La Boracay umpisa Abril 27 hanggang Mayo 1, 2016.

Ayon kay Engineer Tresha Lozañes ng Environmental Management Services Unit Office ng LGU Malay, mag-lalagay umano sila ng Portable Cr sa gaganaping La Boracay sa front beach area.

Nabatid na nagpulong na umano sila kasama ang ibat-ibang ahensya dito sa Boracay kung saan tinalakay umano nila sa nasabing usapin ang mga rules and regulation na dapat sundin ng mga event organizer.

Kaugnay nito, maglilibot at mag-momonitor ang kanilang ahensya sa pag-sisimula palang ng naturang event upang mabantayan ang mga organizer ng event kung sila ba ay sumusunod sa kanilang pinag-usapan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin.

Samantala, muli namang pina-alalahanan ni Lozañes ang mga organizer na maging responsable at magbigay respeto sa mga batas na ipinapatupad sakaling magsagawa ng event sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment