Tuesday, April 19, 2016

Tindira ng mga Sunglasses sa Boracay, nabiktima ng magnanakaw

Posted April 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNagsisimula na namang magsulputan mga kawatan sa isla ng Boracay.

Katunayan isang tindira ng sunglasses ang nabiktima ng magnanakaw sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Sumbong ng biktima na si Kristy Ann Cahilig 19-anyos sa Boracay PNP, bumili umano sa kanya ang suspek na si Gaudencio Fabroa III, 45-anyos ng sunglass na nag-kakahalaga ng P350 kung saan binayaran umano ito ng suspek ng P1, 000 at sinuklian naman niya ito ng P650.

Subalit, kumuha umano ng isa pang isang libong peso ang suspek sa kanyang wallet para papalitan sa biktima ng tig-dalawang P500 kung saan pinabalik nito ang isang libong pinapalit sa kanya.

Napag-alaman na dahil umano sa hindi maayos na pagpapalit ng pera at kalituhan ay ginawa ng suspek ang sinasabing trick kung saan sa pag-alis ng suspek at sa pag-check ng biktima sa kanilang drawer ay nag-kulang na ito ng mahigit P1,650.

No comments:

Post a Comment