Saturday, June 18, 2016

Aklanong pulis,pinarangalang “Best Performing Investigator” sa buong Pilipinas

Posted June 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinarangalan ngayon ang isang Aklanon pulis ng Best Performing Investigator sa Aguinaldo Golf Club, Quezon City.

Nakilala ang pulis na si PO1 J-Mar Moises ng Kalibo PNP kung saan kabilang siya sa pinarangalan ng Investigation and Detective Management Division o (IDMD) sa buong Pilipinas.

Napag-alaman na ang nasabing pagkilala ay base sa mga nai-file nitong kaso at mga nalutas na imbestigasyon simula June 2015 hanggang May 2016.

No comments:

Post a Comment